Sa mga nagdaang taon at panahon, ang pagsusulat ay naging bahagi na ng ating buhay. Ano ba ang kahalagahan ng pagsusulat? Anu- ano ang maitutulong nito sa atin? May silbi pa nga ba talaga ang pagsusulat?
Noong unang panahon, sa ating mga ninuno ginagamit na nila ang pagsusulat. Kahit wala pa man papel noon, nagsusulat na sila kahit sa dahon, bato at kung saan- saan pa. Ang pagsusulat ay isang paraan ng paglalahad ng ating saloobin. Ito ay ginagamit upang maiparating sa ibang tao o sa mambabasa ang mensahe na nais nating iparating. Napakahalaga ng pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga bagay na gusto nating sabihin ay pwede nating isulat upang malaman nila. Marami rin itong naitutulong sa atin. Halimbawa, ang mga taong mahiyain o kaya ay walang lakas ng loob na sabihin sa ibang tao sa personal ay pwede nilang isulat na lang at ibigay doon sa tao para malaman ng taong iyon kung anuman ang gustong sabihin o ng mensahe ng nagsulat. Sa panahon ngayon, May silbi pa rin naman ang pagsusulat dahil marami pa naman ang nagbabasa. Hangga't may mga taong patuloy na nagbabasa ng mga sulat o sulatin ay hindi mawawalan ng silbi o ng saysay ang pagsusulat.
Sa pang- araw- araw natin, ang pagsusulat ay nagiging bahagi na ng ating buhay. Maraming bagay ang naitutulong nito na hindi lang natin napapansin o pinapahalagahan kung kaya't sana ay pahalagahan at bigyan natin ng pansin. Bilang opinyon ko sa kung may silbi pa ba ang pagsusulat, para sa akin, oo, may silbi pa ito dahil alam ko na marami pa rin ang tao na nagbabasa at nais na magbasa kaya't hindi mawawalan ng silbi at ng saysay ang pagsusulat.
( For submission)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento